"Pitong Panadero, Pinagpapatay" - The Antipolo Bakery Massacre True Crime

236.628 Lượt nghe
"Pitong Panadero, Pinagpapatay" - The Antipolo Bakery Massacre True Crime
Isang krimen ang yumanig sa lungsod ng Antipolo, Rizal, matapos matagpuan ang pitong katao na patay sa loob ng isang panaderia sa Barangay Cupang. Bandang alas siete ng umaga nang matagpuan silang puno ng saksak, hampas ng martilyo, at mga umpog sa ulo. Ayon sa mga otoridad na ang pitong kataong ito ay mga manggagawa sa panaderya kung saan sila natagpuang patay. At ang pumatay sa kanila? Ang sarili nila mismong amo. Ang nakakakilabot dito, ay pinatay sila habang natutulog, kaya iikot akatanungan at mga spekulasyon kung piangplanuhan ba ito o hindi. Ang suspect, wala nang makita ang kanilang mga katawan, pero nalaman ng kapulisan na ito ay ang kanila mismong amo. Isa raw itong 35 anyos na lalake.Ang isa sa may ari ng panaderya. SUmuko naman ito kinalaunan. At nang tanungin siya kung bakit niya ito ginawa, sabi nito na pinagpaplanuhan daw siyang patayin ng mga trabahador niya. Isang araw daw ay narinig niya ang mga ito na pinaguusapan na papatayin siya gamit ang isang unan, para palabasin na namatay raw siya sa bangungot. Kaya isang gabi, birthday niya, pinainom niya ang mga ito, at "inunahan na sila". Pero, alangan ang kapulisan sa mga statement ng suspek, at sinasabing, maaari, ay may mga element ang pagpatay, na hindi pa natin nalalaman sa ngayon. Kagaya na lamang na baka may iba pang kasali sa pagpatay na ito. Sinisilip rin nila kung nilagyan ba ng sedatives ang gin, na pinainom nito sa mga katrabaho, Sa ngayon, marami ang nagbibigay ng pakikiramay sa pitong biktima ng massacre, kung saan ang dalawa, ay mga menor de edad pa lamang. Sinisilip ngayon kung ano ang totoong motibo ng pagpatay sa pitong Panadero. Kumakalat ngayon ng kanilang mga larawan sa social media. At marami ang gumagamit sa kanilang kwento, bilang isang warning, na magingat tayong lahat, dahil mismong mga katrabaho, o pamilya natin, ang maaaring manakit sa atin Kung mapapatunayang ginawa talaga ito ng suspek, siya ay haharap sa habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua. Sinasabi ng mga kapulisan, na Kahit wala pang opisyal na kaso dito, ay solved na ang kasong ito. Habang hinihintay ang autopsy ng mga biktima, ay kasalukuyan ring sumasailalim sa drug at mental health test ang suspek. Para patunayan na nasa tamang pagiisip ito para gawin ang krimen. Ito ngayon ang tanong ko sa inyo, bakit kaya sunod sunod ang mga Patayan ngayon? Ano kaya ang nangyayari at parang halos araw araw may viral na krimen na puno ng mga Patayan? Sali ka na sa #TeamThirdie. Subscribe na! http://bit.ly/ClaroTheThird TIKTOK - https://www.tiktok.com/@clarotheiii INSTAGRAM - https://www.instagram.com/clarothethird/ FACEBOOK - www.facebook.com/TeamThirdie