KUNG ANO ANG IYONG NATUTUNAN, IYON ANG IYONG KASINUHAN - Homily by Fr. Danichi Hui on April 28, 2025
KUNG ANO ANG IYONG NATUTUNAN, IYON ANG IYONG KASINUHAN - Homily by Fr. Danichi Hui on April 28, 2025
GOSPEL : Juan 3, 1-8
Biblical: “No one can do these signs that you are doing unless God is with him." This was the statement of a Pharisee and a rule of the Jews named Nicodemus towards Jesus.
For a Pharisee and a leader of the Jews it is surprising to hear these words from him. As we all know Pharisees were the number one detractor of Jesus. They do not believe in Jesus and they do not accept what Jesus was preaching and doing no matter how good and kind Jesus was.
But hearing these words from Nicodemus, it only means that he had a sudden change of heart. Hindi lang nagbago ang tingin niya kay Hesus kundi nagbago ang kaniyang pakiramdam kay Hesus. Para sabihin siya ay isang “guro” at sumasakaniya ang Diyos, ay pagpapatunay na nagbago na itong si Nicodemo.
But Jesus is not only satisfied with kind words. He must see it through actions. The is the reason why Jesus told Nicodemus, “unless one is born from above, he cannot see the Kingdom of God." (“maliban na ipanganak na muli ang isang tao, hindi siya paghaharian ng Diyos.”)
Para bang sinasabi ni Hesus, para totoong pagharian ka ng Diyos kailangan mong kakitaan ng tunay na pagbabago. Sing-bago ng isang “bagong panganak”.
Reflection: Ang ganda ng imahe na ginamit ni Hesus tungkol sa isang pagbabago - BAGONG PANGANAK. Kapag ang isang tao ay isinilang wala pa tong nalalaman at wala pa itong sariling paraan. Kung ano ang kanyang matutunan, iyon ang nagiging kaniyang kasinuhan.
Parang ganiyan ang pagbabago, kung baga “back to zero”. Balik są simula.
Biblical: Pero hindi ito agad naunawaan ni Nicodemo, dahil ang akala niyang kailangan bumalik ng isang tao sa sinapupunan para ipanganak muli. He took literally the meaning of “born again.” But Jesus explained it by taking the image of a wind as he said, “The wind blows where it wills, and you can hear the sound it makes, but you do not know where it comes from or where it goes; so it is with everyone who is born of the Spirit."
Ang hangin hindi nakikita pero nararamdaman. Hindi nakikita pero alam kung saan umiihip at kung saan ka dadalhin. Ganiyan ang taong “bago”. Alam niya kung saan siya dadalhin at nararamdaman niya kung sino ang nagdadala sa kaniya.
Story: Naalala ko, una kong narinig noong bata pa ako kapag may ginagawa akong hindi maganda na kilos sinasabihan akong “huwag mong gawin iyan, baka mahipan ka ng masamang hangin.”
Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin noon, akala ko lang pinapatigil ako para hindi ko makasanayan.
Isang araw, narinig ko ang Lola ng kaibigan ko na sinabihan siya nang, “aba, nag-iba na yata ang ihip ng hangin”. Bigla kasing nakita niya ang kaibigan ko na tumutulong na sa gawaing bahay, na dati tamd at nagtatago kapag gawaing bahay na.
Ito nga siguro ang ibig sabihin ni Hesus nang pagbabago. Ang mahipan ng hangin at madala sa dapat na tinatahak na landas. Dahil kapag saliwa sa ihip ng hangin, kadalasan ang nangyayari ay nawawala.
Mga kapatid, ang pagbabago ay parang pag-ihip ng hangin. Dadamahin mo kung saan ka dadalhin. Sasabayan mo ang tamang daloy at hindi lalabanan. Magpapadaloy at hindi sasaliwa, para hindi ka maligaw at mawala.
#soledaddemanila #frdanichihui