CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || FEB  11  TUESDAY MASS ONLINE  |  REV FR DOUGLAS BADONG

CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || FEB 11 TUESDAY MASS ONLINE | REV FR DOUGLAS BADONG

4.883 Lượt nghe
CATHOLIC CHURCH LIVE MASS TODAY || FEB 11 TUESDAY MASS ONLINE | REV FR DOUGLAS BADONG
Catholic Holy Mass Today February 11, 2025 Playback Online Mass Martes ng IKA-5 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) | Pebrero 11 Featured Playback Mass. MABUTING BALITA Marcos 7, 1-13 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos Noong panahong iyon, may mga Pariseo at ilang eskribang galing sa Jerusalem na lumapit kay Hesus. Nakita nila na ang ilan sa mga alagad ni Hesus ay kumain nang hindi muna naghuhugas ng kamay sa paraang naaayon sa turong minana nila. Ang mga Judio, lalo na ang mga Pariseo, ay hindi kumakain hangga’t hindi nakapaghuhugas ng kamay ayon sa mga turong minana nila sa kanilang mga ninuno. Hindi rin sila kumakain ng anumang galing sa palengke nang hindi muna ito hinuhugasan. At marami pang ibang minanang turo ang kanilang sinusunod, tulad ng tanging paraan ng paghuhugas ng mga inuman, ng mga saro, ng mga sisidlang tanso, at mga higaan. Kaya’t tinanong si Hesus ng mga Pariseo at mga eskriba, “Bakit hindi sumusunod ang mga alagad mo sa mga turo ng ating mga ninuno? Kumain sila nang hindi man lamang naghugas ng kamay ayon sa paraang iniutos!” Sinagot sila ni Hesus, “Tama ang hula ni Isaias tungkol sa inyo. Mapagpaimbabaw nga kayo, gaya ng kanyang isinulat: ‘Paggalang na handog sa ‘kin ng bayan ko’y paimbabaw lamang, sapagkat sa bibig at hindi sa puso ito bumubukal. Pagpuri’t pagsambang ginagawa nila’y walang kabuluhan, ang utos ng tao ay itinuturong utos ng Maykapal.’ Niwawalang-kabuluhan nga ninyo ang utos ng Diyos, at ang sinusunod ninyo’y ang turo ng tao.” Sinabi pa ni Hesus, “Kay husay ng paraan ninyo sa pagpapawalang-bisa sa utos ng Diyos masunod lamang ninyo ang mga turong minana ninyo! Tulad nito: iniutos ni Moises, ‘Igalang mo ang iyong ama’t ina’; at ‘Ang magsalita ng masama sa kanyang ama o ina ay dapat mamatay.’ Ngunit itinuturo ninyo, ‘Kapag sinabi ng isang tao sa kanyang ama o ina: Ang anumang maitutulong ko sa inyo ay Korban’, alalaong baga’y inihahain ko ito sa Diyos – hindi na ninyo siya pinahihintulutang tumulong sa kanyang ama o ina. Sa ganitong paara’y niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga turong minana ninyo. At marami pang bagay na tulad nito ang ginagawa ninyo.” Ang Mabuting Balita ng Panginoon.