Balitanghali Express: February 14, 2025 [HD]

Balitanghali Express: February 14, 2025 [HD]

125.921 Lượt nghe
Balitanghali Express: February 14, 2025 [HD]
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, Pebrero 14, 2025: -Babaeng menor de edad na halos 1 linggo nang nawawala, natagpuang patay sa loob ng maleta -Oil price hike, posibleng ipatupad sa susunod na linggo -4 na bahay at 1 paaralan, nasunog; 4 na pamilya, apektado -Mga tindahan ng bulaklak sa Dangwa, Manila, abala na ngayong Valentine's Day/Condom, tsokolate at rosaryo, ipinamimigay sa mga namimili ng bulaklak -WEATHER: Valentine weekend, asahang uulanin -Philippine National Railways: Biyaheng Naga-Legazpi-Naga, magbabalik sa February 26 -Ex-convict, sinaksak ang napagkamalan niyang police asset na nagsumbong sa kanya noon -Lalaking Chinese, dinukot at tinorture umano ng 2 kapwa-Chinese/PAOCC: 2 Chinese na naaresto, posibleng konektado sa ilegal na POGO/PAOCC: 34 Indonesian POGO workers, ikinulong umano ng mga amo nilang Chinese/PAOCC: Isa sa mga naarestong Chinese, dating miyembro ng People's Liberation Army ng China; kasama niya, finance officer ng POGO/PAOCC: Ilang dayuhan na dating POGO workers sa Pilipinas, posibleng dinadala sa Cambodia para gawing scammer -Mag-asawa at anak nila, arestado dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga/Bangkay, natagpuan sa palayan; hinihinalang inatake ng sakit na epilepsy -Mga alagang baka, kambing at manok, sunod-sunod umanong ninakaw -Bianca Umali sa umano'y billing issue sa "Mananambal": working with Nora Aunor is already an honor. That's everything that I need -Lalaking nang-blackmail umano sa kanyang ex-gf na ipapakalat ang kanilang mga sensitibong video, arestado/PNP-ACG, nagbabala laban sa mga scammer sa social media ngayong buwan ng pag-ibig -Mabagal umanong deportation ng foreign POGO workers, inusisa sa Senado/Mga travel agency na nag-iisyu ng mga pekeng dokumento sa mga dayuhan, pinatututukan/Mas nakaaalarma kaysa sa POGO ang mga Philippine Inland Gaming Operator, ayon sa mga senador/Pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipinong sangkot sa POGO, pinuna ng isang senador -Hindi bababa sa 4, nasawi sa pagsabog sa department store; nasa 26, sugatan -13 pasahero, sugatan matapos tumagilid ang sinasakyang jeep/Patay na fetus, nahukay sa isang bakanteng lote -2, sugatan sa karambola ng 6 na sasakyan -Sandro Muhlach sa pagkabasura ng acts of lasciviousness: may kaso pang rape through sexual assault -Waterfalls adventure sa Laguna, tampok sa "Biyahe ni Drew" sa Linggo, 8:45 pm sa GTV -Heart Evangelista, splendid sa kanyang 40th birthday pictorial/Zephanie, nagdiriwang ng kanyang 22nd birthday; mapapanood sa "Sparkle Presents: Mine"/"Hello, Love, Again," napapanood na sa Netflix Philippines -"Duterte senatorial slate" ng PDP-Laban, nag-proclamation rally sa Club Filipino/Senatorial slate ng Marcos Administration, nangampanya sa Iloilo City/ Iba pang senatorial candidates, patuloy rin sa pangangampanya -Ilang senatoriables, tuloy ang mga aktibidad ngayong umaga -PH Men's Curling Team, panalo ng gintong medalya sa 2025 Asian Winter Games -Tren, sumalpok sa SUV na napunta sa riles matapos mabangga ng pickup -Sobra umanong paniningil ng MERALCO, pinaiimbestigahan ng NASECORE sa ERC; ERC, ibeberipika muna ang datos/Puna ng NASECORE, humihingi ang MERALCO ng bagong dagdag-singil kahit mayroon umanong sobrang nakolekta/Petisyong dagdag-singil ng MERALCO, sasailalim pa sa mga public hearing at evaluation -Ashley Ortega, nakatanggap ng giant bouquet mula kay Mavy Legaspi ngayong Valentine's Day/Paul Salas, sinorpresa si Mikee Quintos matapos ang taping ng "Lutong Bahay"/Sofia Pablo at Allen Ansay, nag-celebrate ng Valentine's together -Motorcycle rider na dumaan sa EDSA Busway at nag-counterflow para takasan ang SAICT, nahuli rin/Ambulansiyang dumaan sa EDSA Busway, tiniketan dahil hindi emergency case ang sakay na pasyente -U.S. military fighter jet, bumagsak sa San Diego Bay; 2 piloto, nailigtas -PCSO, itinangging na-hack ang kanilang database; tiniyak na protektado ang kanilang sistema -"Science Pinas," mapapanood na sa GTV at mapapakinggan sa DZBB simula February 15, 9am -Dalagitang angkas, patay matapos sumalpok sa puno ang motorsiklo; rider na dalagita rin, sugatan -3, arestado sa buy-bust; halos P2M halaga ng hinihinalang shabu, nasabat -Awayan at lambingan ng dalawang pusa, kinatutuwaan online -Ano'ng nagpapakilig sa iyo ngayong Valentine's Day? #AnsabeMo For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali. Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). #GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews