Balitanghali Express: February 13, 2025 [HD]

Balitanghali Express: February 13, 2025 [HD]

93.734 Lượt nghe
Balitanghali Express: February 13, 2025 [HD]
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Huwebes, Pebrero 13, 2025: -Tangkang panghahablot sa cellphone ng isang lalaki, nahuli-cam/Isa sa mga suspek, arestado matapos mangholdap ng taxi driver; kasabwat niya, nahuli rin/ Caloocan Police: Mga naaresto, posibleng bahagi ng mas malaking grupo/2 suspek, aminado sa panghoholdap -Dating COVID-19 Testing Czar at BCDA Pres. Vince Dizon, itinalaga bilang bagong DOTr secretary -Ilang bahagi ng Isabela at Aurora, binaha/ Gumuhong lupa, humambalang sa Suguit Road/Angat Dam, nagpapakawala ngayon ng tubig -WEATHER: PAGASA: LPA, hindi na nagpapaulan sa bansa -Lalaki, sugatan matapos pagbabarilin ng isa umanong barangay kagawad/ Gunman, rumesbak lang daw dahil nagsumbong sa kanya ang isang lalaking unang nakaaway ng biktima/Lalaking unang nakaaway ng biktima, nasa kustodiya ng pulisya; wala pang pahayag -Ilang motorsiklo, sumemplang dahil sa bus lane barriers sa kalsada -Guest na sumigaw at nagmura sa bundok dahil brokenhearted, sinapak ng tauhan sa campsite/Paliwanag sa pulisya ng staff ng campsite: Maaga pa raw nang magsisigaw ang guest na posibleng makaistorbo sa iba/ Pamunuan ng campsite, humingi ng paumanhin dahil sa ikinilos ng kanilang tauhan -Mahigit 20 sugatan matapos sumadsad sa metal at concrete railings ang sinasakyang bus/2, patay sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril -Nasa 20 estudyante, sugatan nang bumaligtad ang sinasakyang jeep -Manila leg ng "Satellites World Tour" ng The Script, dinagsa ng Pinoy fans/Teaser photos ng SB19 para sa "Simula at Wakas," kinakikiligan ng A'tin/SB19, inanunsyo ang dates at mga lugar na kasama sa kanilang "Simula at Wakas" World Tour -5 senatorial candidates, pinadalhan ng notice ng COMELEC dahil sa paglabag umano sa panuntunan sa pagpapaskil ng campaign materials/COMELEC, itinangging kayang manipulahin ang balota gamit ang "invisible ink" -Dating Agusan del Sur Rep. Rodolfo Plaza, Janet Napoles, at iba pa, pinawalang-sala ng Sandiganbayan 2nd division sa mga kasong malversation of public funds at graft -NBI, naghain ng mga reklamong inciting to sedition at grave threats laban kay VP Duterte/Senate Pres. Escudero: Hindi maaapektuhan ang impeachment trial kay VP Duterte kahit kasuhan siya ng DOJ/ SC Ret. Justice Adolfo Azcuna kung hindi masimulan sa 19th Congress ang impeachment trial: "The Supreme Court might say it's too late" -Mahigit 50% sa mga tumatakbong partylist, hindi kumakatawan sa marginalized sector, ayon sa Kontra-Daya -Bata, sugatan matapos mabundol at pumailalim sa isang pickup; driver ng pickup, sumuko/ 18-anyos na lalaki, patay matapos malunod sa ilog/ Nakatakas na ex-girlfriend ng biktima, sinusubukan pang makuhanan ng testimonya ng pulisya/ Pulis, arestado matapos ireklamo ng pangingikil ng misis ng isang PDL -Riding-in-tandem na nanghablot umano sa kuwintas ng isang senior citizen, arestad -Megan Young at Mikael Daez, nag-brainstorm session para sa magiging pangalan ng kanilang baby boy -INTERVIEW: ATTY. WALTER JASON ALAVA | REGIONAL PROGRAMS COORDINATOR | LLO, NCDA -SWS: Bilang ng mga Pinoy na "very happy" sa love life, sumadsad sa 46%; pinakamababa sa dalawang dekada -Commission on Population and Dev't: Mga babaeng pinipiling makipag-live-in, dumami sa nakalipas na 3 dekada/ Anthropologist: Nagbago na ang nakagawian ng mga Pilipino pagdating sa konsepto ng pamilya mula noong 1990s -COMELEC: Nasa 3M hanggang 4M balota na ang naberipika mula sa 27M ballots na naimprenta/ COMELEC: Manual at machine verification process, hindi makasabay sa bilis ng pag-imprenta ng mga balota/ COMELEC, nagdagdag ng 200 verifier para maabot ang kanilang April 14 deadline/ COMELEC, nakikipag-ugnayan na sa NBI para imbestigahan ang mga umano'y sindikatong nag-aalok ng "sure win" sa mga politiko -GMA Network Chairman and Adviser Atty. Felipe L. Gozon, pinarangalan sa Manila Overseas Press Club Grand Journalism Awards/ Jessica Soho, Raffy Tima, at Melo Del Prado, kinilala rin sa Manila Oversea Press Club Grand Journalism Awards -Alagang aso, bakit kaya parang 4X4 daw sa ilog adventure? For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali. Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). #GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews